LUMOBO ng 12.4 percent ang total assets ng banking industry ng Pilipinas, hanggang noong katapusan ng Mayo.
Sa datos mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), umakyat sa 25.62 Trillion pesos ang combined assets ng mga bangko mula sa 22.79 trillion pesos kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Bahagya rin itong tumaas ng 0.5 percent mula sa 24.48 trillion pesos na naitala hanggang noong Abril.
Ang assets ng mga bangko ay suportado ng deposits, loans, at investments.
Kinabibilangan ito ng cash at due mula sa mga bangko, pati na interbank loans receivable at reverse repurchase, na kabuuan ng allowances para sa credit losses.