SUGATAN sa pamamaril si dating US President Donald Trump sa gitna ng kanyang campaign rally sa Butler Pennsylvania.
Tinamaan sa kanang tenga si Trump habang nasawi naman ang suspek at isang sibilyan.
ALSO READ:
Prosecutors, hiniling na sentensyahan ng kamatayan si Dating South Korean President Yoon
26 katao, inaresto ng Cambodian at South Korean police bunsod ng umano’y scams at sex crimes
Iran, nagbantang gaganti kapag umatake ang US sa gitna ng ginagawang pagkontrol sa mga nagpo-protesta
2 ‘shadow fleet’ tankers na iniugnay sa Venezuelan oil, kinumpiska ng US
Ayon sa secret service, mayroon ding dalawang dumalo sa rally na nasugatan sa insidente.
Iniimbestigahan na umano ang pamamaril bilang assassination attempt.
Magsisimula pa lamang magsalita ang pitumpu’t walong taong gulang na si Trump nang marinig ang mga putok ng baril at napahawak sa kanyang tenga ang dating US President.
Kahit duguan ang kamay at mukha ay itinaas pa ni Trump ang kamao bago umalis sa lugar.
