DALAWA ang patay habang nasa dalawandaang pamilya ang nawalan ng tirahan makaraang sumiklab ang sunog sa Davao City.
Nasawi ang dalawang menor de edad habang isa ang nasugatan sa sunog sa Barangay 2A.
Tinaya sa isandaan limampung kabahayan ang nilamon ng apoy sa naturang lugar.
Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog, maging ang halaga ng mga natupok na ari-arian.