BUMALIK sa Deficit ang ang Balance of Payments (BOP) Position ng Pilipinas noong Hulyo, makaraang magbayad ang pamahalaan ng utang sa labas ng bansa.
Batay sa Preliminary Data mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang naitalang 167-Million Dollar Deficit noong Hulyo ay kabaliktaran ng 226-Million Dollar Surplus noong Hunyo at 62-Million Dollar Surplus noong July 2024.
Transaksyon sa Online Gambling, bumagsak ng 50% mula nang i-ban sa E-Wallets
Airline companies, pinaalalahanan ng DOTr sa pagbibigay ng napapanahong flight updates sa mga pasahero
Asian Development Bank, nagtalaga ng bagong Country Director sa Pilipinas
Foreign Investment Pledges, bumagsak ng 64% sa ika-2 quarter ng taon
Sa unang pitong buwan ay tumaas ang BOP Deficit sa 5.756 billion dollars, kabaliktaran ng 1.504-Billion Dollar Surplus simula Enero hanggang Hulyo ng nakaraang taon.
Ang BOP ay tumutukoy sa Economic Transactions ng bansa sa ibang mga nasyon, kung saan ang Surplus ay nangangahulugan na mas maraming pondo ang pumasok sa bansa habang ang ibig sabihin ng Deficit ay mas marami ang lumabas na pondo.