INUMPISAHAN na ng Israeli Military ang “Preliminary Actions” sa planong ground offensive para makubkob at ma-okupa ang lahat ng bahagi ng Gaza City.
Una nang inaprubahan ng Defence Minister ng bansa na si Israel Katz ang opensiba at ilalatag ito sa Security Cabinet ngayong linggo.
ALSO READ:
Pinatalsik na prime minister ng Bangladesh, sinentensyahan ng kamatayan bunsod ng pagsawata sa mga estudyante
11 patay, 12 nawawala kasunod ng landslide sa Central Java sa Indonesia
Mga Pinoy sa Northern Japan pinag-iingat sa wild bear attacks
Colombian Military, binomba ang hinihinalang kampo ng mga rebelde; 19, patay!
Sa ngayon ay mayroon nang mga nag-o-operate na tropa sa Zeitoun at Jabalia Areas para sa ikinakasang Groundwork Offensive.
Nasa animnapung libong Reservist ang pinaghahanda simula sa setyembre para sa naturang plano.
Kinondena naman ng maraming kaalyado ng israel ang plano, kabilang na si french president emmanuel macron na nagbabalang maaari lamang itong mauwi sa sakuna at malubog ang buong rehiyon sa permanenteng digmaan.
