SINUGOD at binato ng putik ng mga raliyista ang gate ng bahay at opisina ng pamilya Discaya sa Pasig City.
Ito ay para kondenahin ang malawakang katiwalian sa Flood Control Projects.
ALSO READ:
Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon
ICC Pre-Trial Chamber, posibleng desisyunan ang Fitness to Stand Trial ni FPRRD sa Enero
Antipolo Rep. Romeo Acop, pumanaw sa edad na 78
Labi ni Catalina Cabral, itinurnover na sa kanyang pamilya – PNP
Ang mga sumugod ay kinabibilangan ng mga miyembro ng militanteng grupo at mga biktima ng mga nakalipas na pagbaha.
Bukod sa pagbato ng putik ay sinulatan din ng mga raliyista ng katagang “magnanakaw”, gamit ang pintura, ang gate ng opisina ng pamilya Discaya na St. Gerrard Construction.
Panawagan ng mga nagsagawa ng Kilos-Protesta, hustisya at panagutin ang pamilya Discaya na isinasangkot sa mga maanomalyang proyekto.
