Binigyan ng tulong pinansyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang babaeng nag-viral sa social media matapos biglang lumitaw mula sa isang imburnal sa Makati City.
Personal na nakipagkita si DSWD Secretary Rex Gatchalian kay alyas “Rose” para alamin ang kaniyang kondisyon.
MMFF complimentary passes hindi pwedeng ibenta – MMDA
Pasok sa mga tanggapan ng gobyerno, suspendido sa Dec. 29, 2025 at Jan. 2, 2026
Arrest warrant laban kay Sarah Discaya at iba pang co-accused sa 96.5 million pesos na ghost flood control project, inanunsyo ni Pangulong Marcos
Ratipikasyon at transmittal ng Proposed 2026 National Budget, target sa Dec. 29
Ayon kay Gatchalian si Rose ay pagkakalooban ng P80,000 na livelihood assistance para makapagsimula siya ng ‘sari-sari’ store.
Sumailalim aniya sa assessment ng social worker ng DSWD si Rose at natukoy na kakayanin nitong makapagtayo ng tindahan.
Aalamin din ng DSWD kung anong maaaring ibigay na tulong sa live-in partner ni Rose na si “Jerome”. Makakatuwang din ng DSWD si Rose sa pamamagitan ng pagsama nito sa reach out operations ng Pag-abot team para kumbinsihin ang mga naninirahan sa lansangan na magtungo sa center ng DSWD upang sila ay matulungan.
