13 November 2025
Calbayog City
National

4.5 milyong katao, apektado ng Bagyong Uwan; 188 million pesos, iniwang pinsala sa agrikultura

AABOT sa apat punto limang milyong katao mula sa labing isanlibo at isandaang barangay sa buong bansa ang naapektuhan ng Super typhoon Uwan.

Ayon sa Office of Civil Defense, hanggang kahapon ng tanghali, ang bilang ng mga apektadong indibidwal ay katumbas ng isa punto tatlong pamilya.

Sinabi ng OCD na nananatili naman sa dalawampu’t pito ang bilang ng mga nasawi habang tatlumpu’t anim ang nasugatan at dalawa ang nawawala.

Samantala, nasa 196,000 individuals o 7,700 families ang nananatili pa rin sa sampung libong evacuation centers.

Samantala, umabot na sa mahigit 188 million pesos ang halaga ng pinsala sa agrikultura ng pananalasa ng Super Bagyong Uwan. 

Sa update mula sa Department of Agriculture, nakapagtala ng mahigit anim na libong magsasaka na naapetuhan ng bagyo at halos apat na libong ektarya ng panamin ang napinsala.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).