KINUMPIRMA ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Lito Magno ang pagsuko ng contractor na si Sarah Discaya.
Ayon kay Magno, dumating si Discaya sa NBI Headquarters sa Pasay City noong Martes, kasunod ng anunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na inaasahang ilalabas ang arrest warrant laban sa contractor ngayong Linggo.
Mga senador, muling in-adjust ang schedule para sa ratipikasyon ng enrolled copy ng 2026 Budget
Sarah Discaya at mga co-accused, humihirit na makabalik sa kustodiya ng NBI
Ombudsman, ipinasusurender sa DPWH ang computers at devices na inisyu kay yumaong Undersecretary Cathy Cabral
PNP at Bulacan Government, ininspeksyon ang tindahan ng mga paputok sa Bocaue
Sinabi ng NBI director na hiniling ni Discaya na isailalim ito sa kanilang hurisdiksyon nang walang delay.
Nilinaw naman ni Atty. Cornelio Samaniego III, Legal Counsel ni Discaya, na ang pagsuko ng kanyang kliyente ay “strategic legal move” at hindi pag-amin ng kasalanan.
Una nang sinampahan ng Ombudsman ng Malversation at Corruption Charges si Discaya at iba pang personalidad kaugnay ng 96.5-Million Peso Ghost Flood Control Project sa Davao Occidental.
