Idineklara ang mga bayan ng Sulat at San Julian sa Eastern Samar na malaya na mula sa impluwensya ng New People’s Army (NPA).
Ang mga naturang lugar ang ikalawa at ikatlong munisipalidad sa lalawigan na nakaabot sa nasabing estado.
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
DOH-8, sinuri ang kahandaan ng mga ospital para sa holiday-related emergencies
Sa statement, sinabi ni Brig. Gen. Noel Vestuir, commander ng 802nd Infantry Brigade, na ilang taon nang walang namataang armadong rebelde sa nabanggit na mga bayan, kaya naabot na nila ang Stable Internal Peace and Security Conditions (SIPSC).
Pinasalamatan naman nina Sulat Mayor Javier Zacate at San Julian Mayor Dennis Estaron ang lahat ng stakeholders na nagbigay ng ambag upang makamit ang SIPSC sa kani-kanilang munisipalidad.
Binigyang diin ng mga alkalde na malaking hakbang ito para sa kaunlaran at mas magandang kalidad ng pamumuhay ng mga residente.
Ang unang bayan sa Eastern Samar na nakaabot sa SIPS conditions ay ang Giporlos sa pamamagitan ng pormal na deklarasyon noong April 12.
