15 February 2025
Calbayog City
Province

Pamahalaan, nag-alok ng P100,000 pabuya para sa ikadarakip ni dating Palawan Governor Joel Reyes

joel reyes

Isandaan libong pisong pabuya ang alok ng pamahalaan para sa ikadarakip ni dating Palawan Governor Joel Reyes, na tinukoy na mastermind sa pagpaslang sa broadcaster na si Gerry Ortega.

Ayon kay undersecretary Paul Gutierrez, Executive Director ng Presidential Task Force on Media Security, ang reward money ay mula sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

2011 nang pagbabarilin si Ortega sa Puerto Princesa City pagkatapos ng kanyang pang-umagang programa sa radyo.

Tumakas si Reyes sa bansa noong 2012 kasama ang kanyang kapatid na si Coron Mayor Mario Reyes subalit naaresto sila sa Thailand noong 2015 at nakapag-piyansa noong  2018.

Ngayong taon ay ipinag-utos ng Supreme Court na muling arestuhin ang dating gobernador na nahaharap din sa hiwalay na mga kaso sa Sandiganbayan kaugnay ng Malampaya at Fertilizer Fund Scams.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *