INAKUSAHAN ni Senador Imee Marcos ang kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na gumagamit ng iligal na droga.
Sa rally ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Quirino Grandstand, pinaratangan din ng senadora ang first lady at ilan sa mga kaibigan ng pangulo na gumagamit ng illegal drugs.
Idinagdag ng mambabatas na noong 2016, sa kampaya laban sa droga ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte, lumabas ang pangalan ni PBBM na kasama sa listahan ng celebrities.
Isiniwat ni Imee na kinausap at halos manikluhod siya kay Dating Pangulong Duterte para maligtas ang kanyang kapatid.
Samantala, itinuring naman ito ng Malakanyang bilang desperadong hakbang.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, ang pinag-uusapan sa Peace Rally ay korapsyon umano sa gobyerno, kaya ano ang dahilan ni Sen. Imee para siraan ang sarili niyang kapatid.




