TATLONG miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasawi sa pakikipagbakbakan sa tropa ng pamahalaan sa bulubunduking bahagi ng Barangay Pange, sa Jaro, Leyte.
Ayon kay Brig. Gen. Pompeyo Jason Almagro, Commander ng 802nd Infantry Brigade ng army, ang mga napaslang ay kinabibilangan ng isang squad leader at dalawang miyembro ng Medical Unit.
ALSO READ:
Northern Samar at DOE, pinagtibay ang ugnayan para sa sustainable energy
Calbayog City Mayor Monmon Uy, bumisita sa Marikina City para sa benchmarking activity
2 sitio sa Leyte, napailawan na makalipas ang ilang taong kawalan ng kuryente
DTI, namahagi ng tulong pangkabuhayan sa mga lugar na dating apektado ng mga bakbakan sa Leyte
Nagtayo umano ang mga rebelde ng pansamantalang kampo sa lugar para mangikil ng pera mula sa mga lokal na magsasaka.
Sinabi ni Almagro na narekober sa pinangyarihan ng engkwentro ang dalawang caliber .45 pistols. Gayunman, patuloy pa aniya ang militar sa paggalugad sa lugar para sa karagdagang mga armas na pinaniniwalaang inabandona ng mga tumakas na rebelde.
