ITINANGGI ng Department of Agriculture ang isang pahayag na iniuugnay kay Secretary Francisco Tiu Laurel.
Batay sa kumakalat na quote card, pinalalabas na nagbigay ng pahayag ang kalihim tungkol sa pagpapalakas ng produksyon ng native na baboy dahil akma ito sa klima ng bansa.
ALSO READ:
Ayon kay Laurel, wala siyang inilalabas na ganitong pahayag kaya “fake news” ang pinakakalat na quote card.
Paaalala ng kalihim sa publiko maging mapanuri at huwag basta-basta ibahagi ang kanilang mga nakikita at nababasa sa social media.
Ang mga pahayag ng kalihim at ng DA ay makikita at ibinabahagi sa official Facebook page ni Tiu Laurel at ng ahensya.




