INAASAHANG aabot sa 35,000 ang Registered Electric Vehicles (EV) sa bansa hanggang sa pagtatapos ng 2025 mula sa 24,000 na naitala sa kabuuan ng 2024.
Batay sa datos mula sa Land Transportation Office (LTO), sinabi ni Edmund Araga, Electric Vehicle Association of the Philippines (EVAP) President, na umabot na sa kabuuang 29,715 ang nairehistrong EVs simula Enero hanggang Hulyo ngayong taon.
ALSO READ:
Naitala sa 28,353 ang New Registrations ang mga nag-apply for Renewal ay nasa 1,362.
Iniugnay ni Araga ang Increase sa suporta ng pamahalaan sa paghikayat sa publiko na gumamit ng EVs sa halip na Fuel-Powered Vehicles upang mabawasan ang Carbon Emissions.