IVE-veto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ang Adolescent Pregnancy Prevention Bill, kung magkakaroon ito ng “woke” provisions.
Ayon sa pangulo, napakahalaga pa rin ng sex education at kailangang matutunan ng kabataan ang anatomy ng reproductive system ng lalaki at babae.
Dapat ding ituro ang masasamang bunga ng maagang pagbubuntis at ang usapin sa pagkalat ng HIV.
Gayunman, inamin ng pangulo na nagulat at nabahala siya sa ilang elemento nang basahin niya ang panukalang batas.
Sinabi ni Marcos na tila tinanggalan na rin ng karapatan ang mga magulang na magpasya kung paano at kung kailan nila tuturuan ang kanilang mga anak kaugnay ng sexuality.
Dahil dito, tiniyak ng pangulo na sa sandaling isumite sa kanya ang panukala ay agad niya itong ive-veto kung maglalaman ito ng woke provisions.