21 May 2025
Calbayog City
National

Pangulong Marcos, tinawag na sinungaling si dating Pangulong Duterte sa pinalutang na blangkong items sa 2025 Budget

ILANG beses na tinawag na sinungaling ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaugnay ito sa pinuna ng dating pangulo na umano’y blank items sa 6.326-Trillion Peso 2025 National Budget.

Sa ambush interview sa bgc sa Taguig, sinabi ni Marcos na bilang dating presidente, dapat alam ni Duterte na hindi maaaaring maipasa ang pambansang budget kung mayroong mga blangko at kung hindi nakalagay ang mga kaakibat nitong proyekto at gastos.

Hinikayat naman ng pangulo ang publiko na tingnan na lamang ang kopya ng pambansang budget sa website ng Deparrment of Budget and Management, at hanapin ang umano’y blank check.

Ayon kay Pangulong Marcos, ito ang magpapatunay na tama ang kanyang iginigiit na kasinungalingan ang mga pinalutang ng dating presidente.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.