Lusot na sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Kamara ang absolute divorce bill.
Inaprubahan ang House Bill 9349 sa pamamagitan ng 126 yes votes, 109 votes, at 20 abstensions.
Sa ilalim ng panukalang batas, ang grounds para sa absolute divorce ay katulad din ng grounds para sa legal separation at annulment.
Gayunman, ang divorce spouses ay binibigyan ng karapatan na magpakasal muli, hindi kagaya ng legal separation.
Ang divorce process ay inaasahang mas mabilis at mas mura, kumpara naman sa annulment.
Ang grounds sa divorce ay kinabibilangan ng physical violence o matinding pang-aabuso, drug addiction, habitual alcoholism, chronic gambling, homosexuality, marital infidelity, at abandonment without justifiable cause sa loob ng mahigit isang taon.