PINURI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang “Difference-Maker” ang Preemptive Evacuation na isinagawa ng Local Government Units sa mga lugar na dinaanan ng Super Typhoon Uwan.
Ginawa ng pangulo ang pahayag, matapos sabihin ng Office Civil Defense na malaki ang naitulong ng maagang paglilikas sa 426,000 families, kaya nabawasan ang Casualties.
Sa Post-Uwan Briefing sa pinangunahan ni Marcos sa Mandaluyong City, pinasalamatan nito ang Local Governments, first responders, at volunteers sa mabilis na aksyon at pagtutulungan upang mapanatili ang kaligtasan ng mamamayan.
Binigyang diin ng punong ehekutibo na napakalaking bagay ng kanilang maagap na pagkilos.




