12 October 2025
Calbayog City
National

Goitia: Paninindigan ni Marcos Laban sa Korapsyon, Pag-asa ng Bayan

PINURI ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang matatag na paninindigan laban sa korapsyon at kapabayaan sa pamahalaan. Para kay Goitia, ang mga hakbang ng Pangulo ay hindi lamang pagpapatupad ng reporma kundi pagbabalik ng dangal at moralidad sa pamamahala.

Para kay Goitia, ito ay malinaw na patunay ng seryosong hangarin ng Pangulo na linisin ang pamahalaan. “Sa wakas, may lider tayong hindi takot maglinis ng sariling hanay,” aniya. “Ang pagtatatag ng komisyong ito ay mensaheng malinaw na ang pananagutan ay hindi lamang salita kundi prinsipyo. Ipinapakita ng Pangulo na may lugar pa rin ang katapatan sa serbisyo publiko.”

Binigyang-diin ni Goitia na ang mga repormang ito ay hindi lamang mga pangako kundi mga konkretong hakbang tungo sa tunay na pagbabago. Ayon sa kanya, ang pagpapasimple ng mga proseso at mas maayos na koordinasyon sa pagitan ng mga ahensya ay makatutulong upang mabawasan ang pag-aaksaya ng pondo at mapigilan ang katiwalian.

Ayon kay Goitia, ang tunay na labanan ay hindi sa pagitan ng mga pulitiko kundi laban mismo sa korapsyon.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.