NILAGDAAN ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) na hiniling ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) laban sa ilang mambabatas, contractors, at mga opisyal na sangkot sa maanomalyang Flood Control Projects.
Nilagdaan ni Remulla ang Request ng ICI sa huling araw niya bilang kalihim ng Department of Justice (DOJ), kahapon, bago nanumpa bilang bagong ombudsman.
Saklaw ng kautusan sina Dating House Speaker Martin Romualdez, Senators Chiz Escudero at Jinggoy Estrada, at Joel Villanueva, at Former Senators Bong Revilla Jr. at Nancy Binay.
Gayundin sina, COA Commissioner Mario Lipana at misis na si Marilou Laurio-Lipana; Education Undersecretary Trygve Olaivar; Congressmen Roman Romulo, PM Vargas, Arjo Atayde, Nicanor Briones, Marcy Teodoro, at iba pang mga opisyal.
Samantala, sa hiwalay na mensahe, kinumpirma rin ng Bureau of Immigration na natanggap na nila ang ILBO na inisyu ng DOJ.
Sinabi ni Immigartion Spokesperson Dana Sandoval na agad isasama sa Centralized Database ang mga naturang personalidad, at mahigpit na babantayan ang kanilang mga biyahe.