PINANGUNAHAN ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ang pagtatapos ng programa para sa 2025 National Celebration of Elderly Filipino Week, kahapon.
Sa isang linggong programa ay bumuhos ang Tributes para sa mga senior citizens sa lungsod, na buhay na testamento ng katatagan, pamana, at pag-asa.
ALSO READ:
3 miyembro ng NPA, patay sa panibagong engkwentro sa Leyte
DepEd Calbayog Stakeholders’ Summit, gaganapin sa Biyernes; magwawagi sa appreciation video, tatanggap ng 20,000 pesos
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
Sa temang “Embracing Age: Living a Life with Dignity and Purpose,” binigyang pagkilala sa selebrasyon ang tahimik na lakas at katatagan ng Elderly Community.
Sa pamamagitan ng kanilang buhay ay nagpapatuloy ang paghubog sa kasaysayan ng lungsod, bigyang inspirasyon ang kabataan, at gabayan ang kanilang kinabukasan.
Sinamahan ni Mayor Mon nina City Councilors Dolor Delos Santos, Marc Celino Tan, at Dr. Lydia Delos Reyes.
