LUMOBO sa Record na 17.56 trillion pesos ang Outstanding Debt ng National Government hanggang noong katapusan ng Hulyo.
Batay sa pinakahuling datos mula sa Bureau of Treasury, umakyat ng 11 percent ang utang ng pamahalaan mula sa 15.69 trillion pesos noong July 2024.
Mas mataas ito ng 1.15 percent kumpara sa 17.36 trillion pesos na tinayang utang hanggang sa pagtatapos ng 2025.
Sa kabila naman ng paglagpas sa 2025 Projection, sinabi ng Treasury na inaasahang mababawasan ang utang sa katapusan ng taon dahil magbabayad ang gobyerno ng 814.2 billion pesos na Domestic Bonds sa Disyembre at paghupa ng Fundraising Activities.