INAASAHANG lolobo ang utang ng Pilipinas nang lagpas sa 19 trillion pesos sa pagtatapos ng 2026, batay sa Budget Documents.
Nakasaad sa Budget and Expenditures and Sources of Financing para sa Fiscal Year 2026, tinaya ng pamahalaan ang Total Outstanding Debt sa susunod na taon sa 19.057 trillion pesos.
ALSO READ:
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Mas mataas ito kumpara sa Projected 17.359-Trillion Peso Debt Level ngayong 2025.
Hanggang katapusan ng Hunyo ngayong taon, lagpas na sa 17-Trillion Peso Mark ang Running Debt ng National Government.
Naitala ito sa 17.267 trillion pesos na mas mataas ng 2.1% mula sa 16.918 trillion pesos noong Mayo at 11% na mas mataas din sa 15.483 trillion pesos noong June 2024.