6 August 2025
Calbayog City
National

Pagtaas ng taripa sa imported na bigas at pansamantalang pagpapatigil sa importasyon, inirekomenda ng DA

KABILANG sa mga tatalakayin sa Sidelines ng State Visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa India ang pagtaas ng taripa sa imported na bigas.

Ito, ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Dave Gomez, kasunod ng rekomendasyon ng Department of Agriculture (DA).

Iminungkahi rin ng DA na pansamantalang itigil ang lahat ng importasyon upang protektahan ang mga lokal na magsasaka.

Idinagdag ni Gomez na lahat ng detalye ay pag-uusapan at dedesisyunan pa.

Noong June 12 ay inirekomenda ng ahensya sa Tariff Commission na anumang increase sa hinaharap para sa Rice Import Duty, mula sa 15% pabalik sa dating 35% – ay ipatupad nang paunti-unti upang mapagaan ang epekto sa Local at Global Markets.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).