NASA New Delhi, India si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos para sa limang araw na State Visit.
Dumating ang pangulo, kasama ang kanyang delegasyon, lulan ng PR001 Flight, 2:20 P.M., kahapon (oras sa India), sa VVIP Bay, Palam Air Force Station.
ALSO READ:
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Kagabi ay humarap ang pangulo sa Filipino Community sa India.
Sinabi ni Pangulong Marcos na ang kanyang biyahe sa India ay nataon sa 75th Anniversary ng pagkakatatag ng Diplomatic Relations ng dalawang bansa.
Idinagdag ng punong ehekutibo na nais niyang magresulta ang kanyang pagbisita ng mas murang gamot para sa mga Pilipino.
Ang State Visit ni Marcos sa India ay bilang pagpapaunlak sa imbitasyon ni Prime Minister Narendra Modi, na makaka-meeting ng pangulo ngayong Martes.
