NAG-remit ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ng 1.47 billion pesos na halaga ng Dibidendo sa National Government.
Sinabi ni SBMA Chairman and Administrator Eduardo Jose Aliño na makatutulong ang Remittance para suportahan ang Nation-Building Initiatives, Public Services, at Infrastructure Development.
Sa ilalim ng Republic Act No. 7656 o Dividends Law, ang mga Government-Owned or Controlled Corporation (GOCC) ay dapat i-deklara at i-remit ang at least 50% ng kanilang Annual Net Earnings bilang Cash, Stock o Property Dividends sa Treasury.
Gayunman, noong nakaraang taon ay itinaas ng Department of Finance ang Mandatory Dividend Remittances ng GOCCs sa 75% ng kanilang Net Earnings mula sa dating 50 percent.