SINUSPINDE ang unang araw ng International Youth Basketball Championship (IYBC) ng National Youth Basketball League (NYBL) matapos magrambulan ng mga player sa kasagsagan ng Game na ginaganap sa Pasig City.
Nauwi sa suntukan ang laban sa pagitan ng MB Camp – Davao at Coach Kentzie Basketball Academy (CKBA) sa 3rd Quarter ng laban sa 15U Division.
ALSO READ:
Justin Brownlee, pangungunahan ang 18-Man Pool ng Gilas Pilipinas para sa FIBA World Cup Asian Qualifiers
Barangay Ginebra, natakasan ang Phoenix sa nagpapatuloy na Philippine Cup
Hidilyn Diaz, pangungunahan ang Philippine Weightlifting Team sa Thailand SEA Games
Alas Pilipinas Player Ike Andrew Barilea, pumanaw sa edad na 21
Nagkainitan ang mga manlalaro at nakita na lamang sa live video ng laban ang pagkuyog ng mga manlalaro ng MB Camp sa isang manlalaro ng CKBA.
Dahil dito kinansela na ang nalalabi pang dalawang game para sa unang araw ng liga.
Idineklara ding “Forfeited” ang laban ng MB Camp – Davao at CKBA.
