INANUNSYO ni Transportation Secretary Vince Dizon na oobligahin na ang lahat ng drivers ng Public Utility Vehicles na sumailalim sa mandatory drug testing tuwing ika-siyamnapung araw, matapos ang sunod-sunod na malalagim na aksidente sa kalsada.
Sa press briefing, sinabi ni Dizon na nagpasya siyang maglabas ng direktiba matapos malaman na ayaw magpa-drug test ng Solid North bus driver na sangkot sa trahedya sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) na pumatay ng sampu katao at sumugat ng mahigit tatlumpung iba pa.
ICC Pre-Trial Chamber, posibleng desisyunan ang Fitness to Stand Trial ni FPRRD sa Enero
Antipolo Rep. Romeo Acop, pumanaw sa edad na 78
Labi ni Catalina Cabral, itinurnover na sa kanyang pamilya – PNP
Mga biyahero, dagsa na sa PITX, ilang araw bago ang Pasko; 100,000 pulis, magbabantay sa transport hubs sa gitna ng Christmas at New Year Exodus
Inamin ni Dizon na sira ang sistema kaya kailangan nila itong ayusin.
Idinagdag ng kalihim na makikipag-ugnayan ang Department of Transportation sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa pagpapatupad ng mandatory drug testing.
