Patuloy ang paggalugad ng patrol boats at helicopters para hanapin ang nasa apatnapu’t walong migrante makaraang lumubog ang sinasakyan nilang bangka malapit sa Spanish Island ng El Hierro.
Itinuturing itong pinakamapanganib na insidente sa loob ng tatlumpung taong pagtawid mula sa Africa patungong Canary Islands.
Siyam, kabilang ang isang bata, ang kumpirmado namang nasawi sa naturang trahedya, ayon sa Emergency and Rescue Services.
Nasagip naman ng rescuers ang dalawampu’t pito mula sa walumpu’t apat na migranteng nagtangkang makarating sa baybayin ng Spain, subalit inabutan ng trahedya sa gitna ng dagat.
Sinabi ng Spanish authorities na ang mga biktima ay mula sa Mali, Mauritania, at Senegal.