Ibinahagi sa social media ng aktres na si Maymay Entrata ang kanyang debut appearances sa Paris Fashion Week.
Impresibo ang naging pagrampa ni Maymay, suot ang mga dinisenyo ni Leo Almodal at Vietnamese designer na si Phan Huy.
ALSO READ:
Mr. International 2025 Kirk Bondad at Model-Actress Lou Yanong, kumpirmadong nagkabalikan
K-Pop Group na Seventeen, balik Pilipinas sa susunod na taon para sa kanilang World Tour
Ate Gay, nakumpleto na ang kanyang Chemotherapy Sessions
Jonathan Bailey, itinanghal bilang Sexiest Man Alive for 2025 ng People’s Magazine
Sa Instagram, in-upload ng aktres ang videos and photos ng kanyang pagmo-modelo sa mga likha ni Huy, habang ang style and make-up ay mula kay Steven Doan.
Nag-share din ang talent management ni Maymay na Star Magic ng mga litrato ng Filipina artist na naglalakad sa runway suot ang gold gown na gawa ni Almodal.
Bukod sa pagpapakita ng kanyang inner super model, ibinida rin ni Maymay ang kanyang husay sa pagtatanghal nang kantahin niya ang kanyang hit na “Amakabogera” sa naturang fashion show.
