Patay ang disi-otso anyos na lalaking estudyante sa Jaen, Nueva Ecija bunsod ng umano’y hazing.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ren Joseph Bayan.
Pasado alas diyes noong linggo ng gabi nang i-report ng tiyahin ng biktima sa Jaen Municipal Police Station na nasawi umano ang pamangkin nito sa hazing.
Sa salaysay ng tiyahin, nagpaalam sa kanya si Ren Joseph na sasailalim ito sa “final hazing” sa bayan ng San Leonardo, na isasagawa ng isang fraternity.
Ayon sa kaanak at ilang saksi, inuwi ng mga suspek ang wala nang buhay na katawan ng biktima sa Barangay Pablo, dakong ala singko ng hapon.
Humingi na ang Jaen Police ng tulong sa SOCO para sa isasagawang autopsy upang matukoy ang cause of death ng teenager.
Nagpaabot naman ng pakikiramay sa pamamagitan ng facebook post ang San Pablo National High School sa pamilya ng kanilang estudyante.