Halos isanlibo apatnaraang police personnel ang ide-deploy sa buong Metro Manila para sa paghahain ng Certificates of Candidacy para sa 2025 National and Local Elections, na magsisimula ngayong Martes.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Jose Melencio Nartatez Jr., 1,389 personnel ang ide-deploy simula ngayong Oct. 1 hanggang Oct. 8 para sa paghahain ng COC.
Tiniyak ni Nartatez ang maayos at tuloy-tuloy na filing ng mga COC sa Metro Manila.
Ide-deploy aniya ang NCRPO personnel sa lahat ng designated filing locations, kabilang na sa COMELEC offices at iba pang mahahalagang lugar.