HANDA ang Government Service Insurance System (GSIS) na magbigay ng tulong pinansyal sa mga miyembro at pensioners sa Davao Oriental.
Sa pamamagitan ng Emergency Loans, kasunod ng kambal na lindol na tumama sa lalawigan noong nakaraang linggo.
Dagdag-bawas sa presyo ng produktong Petrolyo, ipinatupad ngayong Martes
MSME Lending Program, inilunsad ng Landbank
Rice Tariff Collections, aabot lamang sa 13 billion pesos dahil sa pinalawig na Import Ban sa bigas
PBBM, nilagdaan ang 8 Petroleum Service Contracts na nagkakahalaga ng 207 million dollars
Sa Advisory, sinabi ng GSIS na ang mga kwalipikadong miyembro at pensioners na nakatira o nagtatrabaho sa mga apektadong lugar ay maaring humiram ng 40,000 pesos kung sila ay mayroong Existing Emergency Loan, o hanggang 20,000 pesos kung wala naman.
Ayon sa State pensioner, maaring bayaran ang Loans sa loob ng 36 months at mayroong 6% Annual Interest, na ang First Payment ay kailangang bayaran makalipas ang tatlong buwan.
Maaring mag-apply ng Loan sa pamamagitan ng GSIS Touch Mobile Application, GWAPS Kiosks, o Over the Counter, at ang ni-loan ay direktang mapupunta sa GSIS ATM Cards.