INANUNSYO ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na maglulunsad sila ng sampung pisong commemorative coin sa Enero.
Kaugnay ito sa chairmanship ng Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa susunod na taon.
ALSO READ:
Ayon sa BSP, ire-retain ang harap na disenyo ng kasalukuyang nasa sirkulasyon na sampung piso mula sa new generation currency coin series, kung saan tampok si Apolinario Mabini.
Sa likod na bahagi naman ng barya ay itatampok ang ASEAN 2026 at QR code patungo sa BSP website, na magli-link para sa Easy Digital Access sa ASEAN 2026 updates.
Idinagdag ng Central Bank na ang barya ay sumisimbolo sa cooperation ng ASEAN, Economic Integration, at active role ng Pilipinas sa paglinang ng kinabukasan ng rehiyon.




