NAKATAKDANG buksan ng Department of Agriculture (DA) ang 500-million peso Cold Storage Facility sa Camarines Sur sa Disyembre.
May kakayahan ito na mag-imbak ng mahigit ng 1,300 tons, at magsisilbi sa lalawigan at sa iba pang mga bahagi ng Visayas at Mindanao.
Ayon sa DA, ang Cold Storage Facility ay mayroong anim na Refrigerated Warehouses, na ang bawat isa ay may Storage Facility na tinatayang nasa 224 tons.
Maari rin itong mag-cater para sa mga dumadaan sa lalawigan patungong Metro Manila at sa iba pang malalaking pamilihan.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na ang pasilidad na may Solar Power System, Blast Freezer, at Processing and Packing Area, ay maaring mag-store ng iba’t ibang Agricultural Products, gaya ng mga gulay, karne, manok, at isda.




