HALOS kalahati o 49 percent ng mga pamilyang Pilipino o tinatayang 13.7 million families ang ikinu-konsidera ang kanilang sarili na mahirap, sa ikalawang quarter ng taon, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Lumitaw din sa resulta ng June 25-29 Survey na nilahukan ng 1,200 respondents, na sampung porsyento ng mga pamilyang Pinoy ang itinuturing ang kanilang sarili na nasa borderline sa pagitan ng Poor and Not Poor, habang 41 percent ang nagsabi na hindi sila mahirap.
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Binigyang diin ng SWS na ang 41 percent na nagsabing hindi sila mahirap ay mas mababa ng one percentage point kumpara sa Record-High na 42 percent noong April 23 to 28 Survey.
Samantala, ang 49 percent naman na nagsabing mahirap ang kanilang pamilya noong June survey ay mas mababa rin ng one percentage point kumpara sa resulta noong Abril na 50 percent o 14.1 million families.