7 July 2025
Calbayog City
National

4 Pinoy, sugatan sa pagganti ng airstrikes ng Iran sa Israel

KINUMPIRMA ng Philippine Embassy sa Tel Aviv na hindi bababa sa apat na Pilipino ang nasugatan sa retaliatory airstrikes ng Iran sa Israel.

Iniulat din ng isang Pinoy na tinamaan ng bomba ang kanilang bahay, subalit ligtas naman sila dahil nagtago sila isang bomb shelter.

Naka-high alert ang Philippine Embassy sa Tel Aviv sa gitna ng kaguluhan sa rehiyon.

Noong Biyernes ay inatake ng Israel ang Iran, sa pagsasabing ang kanilang goal ay pigilan ang Iran sa pag-develop ng atomic weapons at ilabas ang kanilang Ballistic Missiles Capabilities.

Gumanti naman ang Iran at naglunsad ng kanilang airstrikes sa Israel.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).