Mahigit tatlong milyong kahon ng Family Food Packs (FFPs) ang nakahanda sa iba’t ibang storing facilities ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at handing ipamahagi sakaling may mga pamilyang maapektuhan ng bagyong Bising at Habagat.
Ayon kay Director Maria Isabel Lanada ng Disaster Response Management Bureau (DRMB) available ang mga food packs sa 935 storing facilities at anumang oras ay maaaring ibaba sa mga local government units.
Pilipinas, isinantabi ang pagde-deploy ng Navy Ships sa Panatag Shoal
Mosyon ng Kamara sa nabasurang Articles of Impeachment laban kay VP Sara, ipinababasura sa Supreme Court
Comprehensive Economic Partnership Agreement, lalagdaan na ng Pilipinas at UAE
AKAP Program, magpapatuloy sa kabila ng Zero Proposed Budget para sa 2026
Mayroon ding nakahanda na mahigit 337,000 na non-food items sa mga Field Office ng ahensya na kinabibilangan ng kitchen kits, blankets, at modular tents.
Sinabi ni Lanada na naka-standby din ang iba pang disaster response equipment kabilang ang Mobile Command Centers (MCCs) at mobile kitchens.
Nakapag-deliver na din ang DSWD ng ready-to-eat food (RTEF) boxes sa mga pantalan sa bansa para maipamahagi sakaling may mga pasahero na ma-stranded dahil sa sama ng panahon.