UMABOT sa 16.4 million ang bilang ng mga pilipinong employed ng direkta at hindi direkta sa sektor ng turismo.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Garcia Frasco, katumbas ito ng 34 percent ng kabuuang national employment noong 2024.
Sinabi ni Frasco na isa ang turismo sa pinakamalakas na sources ng revenue sa bansa, at isa sa pinaka-reliable na industriya na maaring asahan ng mga Pilipino.
Idinagdag ng kalihim na batay sa tala ng Philippine Statistics, na ang tourism sector ang responsable sa atleast 6 percent ng gross domestic product, hanggang noong kalagitnaan ng 2024.