HINDI bababa sa kanyang pwesto bilang pinakamataas na opisyal ng bansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Pahayag ito ni Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro, sa press briefing, kung saan sinabi rin niya na wala ring plano ang pangulo na kasuhan ang kapatid nito na si Senador Imee Marcos.
Kasunod ito ng akusasyon ng senadora na gumagamit si Pangulong Marcos, pati na ang mga miyembro ng First Family ng iligal na droga.
Sinabi ni Castro na matapang na haharapin ng pangulo kung anuman ang suliranin ng bansa at ang mga nananawagan ng kanyang pagbibitiw ay nag-iingay lamang.




