MALAPIT ng mapakinabangan ng mahigit walunlibo at apatnaraang residente ang 114 million pesos na Barangay Water System Development Project na pinondohan ng World Bank sa Baybay City, sa Leyte.
Ayon sa Department of Agriculture (DA) Eastern Visayas, nakumpleto na ng Philippine Rural Development Project (PRDP) at Local Government Unit ng Baybay City ang Pre-Final Inspection sa proyekto.
ALSO READ:
Northern Samar at DOE, pinagtibay ang ugnayan para sa sustainable energy
Calbayog City Mayor Monmon Uy, bumisita sa Marikina City para sa benchmarking activity
2 sitio sa Leyte, napailawan na makalipas ang ilang taong kawalan ng kuryente
DTI, namahagi ng tulong pangkabuhayan sa mga lugar na dating apektado ng mga bakbakan sa Leyte
Ang bagong Water System, na sumasaklaw sa mga Barangay Plaridel, Maslug, Bitanhuan, Maitum, Punta, Jaena, Sabang,at Palhi, ay idinesenyo para direktang pakinabangan ng 2,266 households o katumbas ng tinatayang 8,492 individuals.
Kabilang sa mga benepisyaryo ay ang 1,922 na mga magsasaka at 476 na mga mangingisda.
