Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation ang pitong katao dahil sa illegal practice of medicine sa isang klinika sa Makati City.
Ikinasa ang operasyon matapos na may magreklamo sa NBI na nagpasailalim sa “Thread Lift Procedure” sa “Lavender Clinic” pero kalaunan ay nakaranas ng soft tissue infection.
Sa pitong naaresto, isa lamang ang registered nurse at may record sa PRC habang ang iba pa ay pawang hindi licensed healthcare professionals.
Ang may-ari ng pasilidad na si Gabriel Honario Jr., ay isang unlicensed physician at ang mga produktong ginagamit sa klinika ay hindi rehistrado sa Food and Drug Administration.
Mahaharap ang pito sa kasong paglabag sa The Medical Act of 1959 at Food and Drug Administration Act of 2009.




