PATAY ang isang bente dos anyos na babae makaraang makuryente habang nanunungkit ng mangga mula sa isang puno, sa Butuan City.
Ayon sa mga opisyal ng Butuan City Police Office, agad nasawi si Mary Joy Antibagos nang tumama ang hawak niyang stainless na panungkit sa nakalaylay na kable ng kuryente.
ALSO READ:
Pagkakakilanlan ng babaeng natagpuang patay sa loob ng storage box, tukoy na ng Camarines Norte Police
Eroplano ng Sunlight Air nagkaproblema sa runway ng Siquijor
P700K na halaga ng puslit na yosi, nasamsam sa Iloilo City
P1.5B na halaga ng tulong inihanda na ng DSWD – Bicol, sa gitna ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon
Agad namang rumesponde ang mga pulis at mga tauhan ng Bureau of Fire Protection, pati na rescuers mula sa Butuan City Disaster Risk Reduction and Management Office para maibaba ang bagkay ng biktima mula sa puno at maisalba pa subalit huli ang lahat.
