MAHIGIT dalawanlibong ipinagbabawal na items ang kinumpiska mula sa mga bumisita sa Manila North Cemetery noong Nov. 1, All Saints’ Day.
Ayon sa Manila Police District (MPD), kabuuang 2,036 items ang nasamsam sa kabila ng paulit-ulit na paalala ng mga awtoridad.
Pinakamarami sa mga kinumpiska ay pabango na umabot sa mahigit pitundaan.
Sumunod ang mga pakete ng sigarilyo at vapes na nasa 645 at flammable materials, gaya ng lighters na nasa 615.
May nakumpiska rin ang mga awtoridad na matatalas at matutulis na bagay, gaya ng mga kutsilyo at gunting, pati na gambling materials, tulad ng baraha.