AABOT sa labingdalawang master cases ng puslit na sigarilyo ang nadiskubre ng mga otoridad sa isang sasakyan sa Iloilo Fish Port Complex sa Iloilo City.
Nangyari ang operasyon sa isinagawang Food Patrol ng mga tauhan ng Iloilo Maritime Police Station.
ALSO READ:
4 katao, patay sa salpukan ng jeepney at dump truck sa Luna, Isabela
Seguridad para sa Panagbenga Festival, ikinakasa na
3rd-Party Assessment sa Aganan Flyover sa Iloilo, ipinag-utos ng DPWH Chief
8.4 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga biktima ng pag-aalboroto ng Mayon Volcano
Ayon sa mga otoridad, siniyasat ang isang kahina-hinalang sasakyan at doon nakita ang mga sigarilyo na aabot sa 700,000 pesos ang halaga.
Walang kaukulang dokumento at wala ring BIR stamps ang mga sigarilyo na malinaw na paglabag sa batas.
Inaresto din ang mga suspek na nadatnan sa sasakyan at kinumpiska ang kontrabando para maisailalim sa inventory.
