BUKAS na muli ang mga bahagi ng EDSA Busway na isinailalim sa repair noong holidays, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Maari nang daanan ng mga motorista ang Innermost Lanes ng EDSA, mula Orense sa Makati patungong Taft Avenue sa Pasay sa Southbound Lane, at mula sa Magallanes Avenue patungong Orense sa Makati sa Northbound Lane.
Pulis, sugatan matapos saksakin ng co-accused na kabaro sa Camp Crame sa Quezon City
Upos ng yosi, Top 1 sa mga basurang nakulekta sa Metro noong 2025
Quiapo officials, planong paiiksiin ang ruta ng Traslacion sa susunod na pista ng Nazareno
Public school teacher, nasawi sa gitna ng classroom observation sa Muntilupa City
Sinabi ni DPWH Undersecretary Mark Steven Pastor na simula nang ma-repair ay na-obserbahan nila ang mas mabilis at magaan na biyahe para sa mga sumasakay ng bus.
Saklaw ng repairs, na kinapapalooban ng road reblocking at asphalt overlay, ang bahagi ng EDSA simula Roxas Boulevard sa Pasay patungong Orense sa Makati.
Inaasahang matatapos ang First Phase ng EDSA Rehabilitation sa Abril o Mayo ngayong 2026.
