NAKA-monitor ang Department of Foreign Affairs sa sitwasyon sa Venezuela kasunod ng major military operation doon ng United States na nagresulta sa pagkakadakip kay Venezuelan President Nicolás Maduro at kaniyang misis.
Ayon kay DFA Spokesperson Angelica Escalona Panawagan din ng pamahalaan ng Pilipinas sa magkabilang partido na resolbahin sa mapayapang pamamaraan ang kanilang sigalot upang maiwasan ang mas malala pang sitwasyon.
Zaldy Co, nagpadala umano ng “feelers” sa mga pari, ayon sa DILG chief
Dating Sen. Bong Revilla, bigong makapagpasok ng mga damit at gadgets sa Quezon City Jail, ayon sa BJMP
Impeachment complaint laban kay PBBM, nai-transmit na sa Office of the Speaker
VP Sara, kinasuhan ng plunder, malversation, at graft bunsod ng umano’y maling paggamit ng confidential at public funds
Samantala naglabas na ng travel and safety advisory ang Philippine Embassy sa Bogotá para sa mga Filipino nationals sa Venezuela.
Paalala ng embahada sa mga Pinoy doon, maging alerto, manatili lamang sa loob ng bahay o kaya humanap ng ligtas na lugar.
Tiniyak din ni Escalona na handa ang embahada na asistihan ang mga pInoy doon sa sandaling lumala pa ang tensyon.
