IPINAPA-veto ng Budget watchdog na Social Watch Philippines kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ilang kwestyonable umanong items sa Ratified 2026 National Budget na nagkakahalaga ng mahigit 319 billion pesos.
Ayon sa grupo, ibinalik lamang nito ang dating Pork Barrel System dahil sa umano ay last minute insertions ng BICAM at appropriations.
Zaldy Co, nagpadala umano ng “feelers” sa mga pari, ayon sa DILG chief
Dating Sen. Bong Revilla, bigong makapagpasok ng mga damit at gadgets sa Quezon City Jail, ayon sa BJMP
Impeachment complaint laban kay PBBM, nai-transmit na sa Office of the Speaker
VP Sara, kinasuhan ng plunder, malversation, at graft bunsod ng umano’y maling paggamit ng confidential at public funds
Dismayado ang grupo na binabalewala lamang ng Kongreso ang galit ng publiko dahil sa pagwaldas ng pondo para sa patronage politics.
Kahit kasi anila nagkaroon ng Open BICAM ay mayroong mga pulong na nangyari kaya wala din namang saysay ang sinasabing transparency sa BICAM process.
Ayon sa grupo, pwedeng i-retain ng pangulo ang lahat ng Budget items maliban lamang sa budgetary support sa Government Corporations at Modernization Program ng AFP.
Puwede rin umano ang total veto sa lahat ng sampung unprogrammed appropriations para matukoy ang funding sources nito.
