TARGET ng Bicameral Conference Committee na maratipikahan ang panukalang 2026 National Budget sa December 22.
Aminado si Senate Finance Committee Chairman Senator Sherwin Gatchalian na hindi na nasunod ang itinakdang schedule ng Bicam dahil sa mga delays lalo at na-postpone ang ikatlong araw sana ng Bicam meeting kahapon.
ALSO READ:
MMFF complimentary passes hindi pwedeng ibenta – MMDA
Pasok sa mga tanggapan ng gobyerno, suspendido sa Dec. 29, 2025 at Jan. 2, 2026
Arrest warrant laban kay Sarah Discaya at iba pang co-accused sa 96.5 million pesos na ghost flood control project, inanunsyo ni Pangulong Marcos
Ratipikasyon at transmittal ng Proposed 2026 National Budget, target sa Dec. 29
Pero sinabi ni Gatchalian na kaya pa rin namang maaprubahan ang Budget sa pagtatapos ng taon.
Paliwanag ng senador, kaya pa ang target na ratification ng Budget sa December 22 Ngayong araw muling magre-resume ang Bicam meeting kung saan inaasahan na hindi na magkakaroon ng postponements.
